GMA Logo Liezl Lopez
What's on TV

Liezl Lopez, gumanap na kerida sa 'Tadhana'

By Bianca Geli
Published March 6, 2023 11:02 AM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras: (Part 3) Insidente ng ligaw na bala; New Year babies; performances sa Kapuso Countdown to 2026, atbp.
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Liezl Lopez


Isang skandalo ang kasasangkutan ni Millet (Liezl Lopez) dahil sa pakikipagrelasyon sa isang may asawa.

Sa Tadhana: Pangarap Part 2, patuloy na mag-iinit ang pagdududa ni Grace (Maricar De Mesa) sa namamagitan sa asawa niyang si Philip (Ricardo Cepeda) at and isang estudyante na si Millet (Liezel Lopez).

Nang maabutan niya ang kanyang mister na si Philip at Millet na nag-uusap sa opisina, hindi niya mapigilang maghinala sa dalawa. Naging tama naman ang kanyang kutob sa dalawa nang makompirmang nagdadalang tao si Millet at si Philip ang ama.

Pighati imbes na saya ang dala ng pagbubuntis ni Millet. Dala rin ng matinding emosyon, itatago ni Millet ang tunay na ama ng kanyang dinadala sa nobyong si Egay (Luis Hontiveros). Mapipilitan si Millet na itaguyod mag-isa ang kanyang anak, lalo na't nagtago sa kanyang responsibilidad si Philip.

Matapos manganak ni Millet, magbabalik si Philip at dahil sa matinding kagustuhang magkaanak, itinakas ni Philip ang anak nila ni Millet.

Balikan ang natatanging pagganap nina Geneva Cruz, Ricardo Cepeda, Liezel Lopez, Luis Hontiveros, Maricar de Mesa, Andrew Gan, Gigi Locsin, Shyr Valdez, at TikTok star Trixie Fabricante.

Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at sundan ang pag-abot sa pangarap ni Millet sa Tadhana: Pangarap Part 2, 3:15 p.m. sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.