GMA Logo Geneva Cruz, Liezel Lopez
What's on TV

Geneva Cruz at Liezel Lopez, mag-ina na may matinding pagsubok sa 'Tadhana'

By Bianca Geli
Published February 27, 2023 1:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras: (Part 3) Insidente ng ligaw na bala; New Year babies; performances sa Kapuso Countdown to 2026, atbp.
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Geneva Cruz, Liezel Lopez


Mapipilitan ang isang anak na kumapit sa patalim para matulungan ang naghihirap na ina.

Sa Tadhana: Pangarap Part 1, dahil sa sinapit ni Tessie (Geneva Cruz) sa kanyang trabaho sa ibang bansa, nabaon sa utang ang kanilang pamilya. Maging ang inuupahan nilang bahay ay pinapalayas na sila.

Sa tulong ng mga kaibigan ni Tessie ay nakauwi siya sa Pilipinas mula sa malupit niyang amo sa Singapore. Ngunit imbes na pasalubong ay problema ang bitbit niya sa kanyang anak na si Millet. Kaya naman gagawin ni Millet ang lahat maitaguyod lang ang kanyang pag-aaral at pangangailangan ng kanyang ina.

Dala ng kahirapan, pikit-matang pinasok ni Millet (Liezel Lopez) ang isang delikadong trabaho. Pero ang unang nakakita sa kanya…mismong professor niya!

Balikan ang natatanging pagganap nina Geneva Cruz, Ricardo Cepeda, Liezel Lopez, Luis Hontiveros, Maricar de Mesa, Andrew Gan, Gigi Locsin, Shyr Valdez, at TikTok star Trixie Fabricante.

Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sundan ang pag-abot sa pangarap ni Millet sa Tadhana: Pangarap Part 1. Patuloy na panoorin ang Tadhana tuwing 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.

SAMANTALA, TINGNAN ANG SEXY BEACH PHOTOS NI LIEZEL LOPEZ DITO: