GMA Logo Jo Berry in Lilet Matias Attorney At Law
What's on TV

Lilet Matias, Attorney-At-Law: Lilet, haharapin ang pinakamalaking kaso sa buhay niya

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 24, 2024 2:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Macau catches fire from downtown vs Titan, clinches maiden win
LTFRB-10 heeds plea to implement taxi flag-down rate hike

Article Inside Page


Showbiz News

Jo Berry in Lilet Matias Attorney At Law


Dapat abangan sa 'Lilet Matias, Attorney-At-Law' ang kasong "People of the Philippines v. Lilet Matias."

Sa GMA Afternoon Prime series na Lilet Matias, Attorney-At-Law, marami nang hinawakang kaso si Atty. Lilet (Jo Berry) pero ngayon niya pa lang haharapin ang pinakamalaking kaso sa buhay niya.

Sa 30-second teaser na inilabas, maririnig ang putok ng baril at makikita ang paa ng isang taong nakadapa.

"Ang pinakamalaking kasong haharapin niya, People of the Philippines v. Lilet Matias," maririnig sa video.

Sa dulo, makikita si Atty. Lilet na puno ng dugo ang kanyang kamay.

Tungkol saan kaya ang kaso na ito? Abangan 'yan sa Lilet Matias, Attorney-At-Law, ang unang legal serye sa Pilipinas, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.