GMA Logo Liza Soberano
Photo source: @lizasoberano
What's Hot

Liza Soberano, muling dumalo sa Gold Gala

By Ron Lim
Published May 12, 2026 7:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Padilla to file ethics complaint vs Pangilinan
Libreng gasolina para sa mga tricycle driver, hatid ng isang barangay | One North Central Luzon
Here are the winners of The Miss Philippines 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Liza Soberano


Naging bahagi rin si Liza Soberano sa Gold Gala noong nakaraang taon.

Patuloy na nagbubukas ang international entertainment scene para kay Liza Soberano pagkatapos niyang magbalik para sa isa sa pinakaimportanteng events para sa Asian American and Pacific Islander (AAPI) community.

Nag-upload ng mga pictures ng gown na sinuot niya sa Gold Gala si Liza sa kanyang Instagram account, pati na rin mga picture niya kasama ang kanyang co-star sa Forgotten Island na si H.E.R. Pinagdiriwang sa Gold Gala ang mga Asian American and Pacific Islander (AAPI) personalities na nagbago ng kultura ng Amerika.

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)

Nitong Marso lamang ay ni-release ng Forgotten Island ang kanilang trailer. Set ang animated film sa 1990s, kung saan si H.E.R. at si Liza Soberano ay gumaganap bilang sila Jo at Raissa, dalawang best friends na malapit nang maghiwalay pagkatapos ng high school.

Maliban kay Liza, ang iba pang mga Filipino actors na kasali sa produksyon ay sina Dolly de Leon at Lea Salonga.

RELATED GALLERY: Filipino elements you might have missed in the 'Forgotten Island'
trailer

Hindi ito ang unang pagkakataon na dumalo sa Gold Gala si Liza, dahil present din siya noong nakaraang taon. May picture pa siya kasama ang mga producers na sina Brandon and Kristin Saito, ang news anchor na si David Ono, ang Fil-Am artist na si Alyssa Rafael, Fil-Am comedian na si JR De Guzman, Super Junior member Choi Siwon, entrepreneur Rembrandt Flores, Icelandic singer-songwriter Laufey, at si H.E.R. Sa caption, sinulat ni Liza na pinapaalala ng Gold Gala kung bakit importante ang komunidad at karangalan para sa kanya ang mapasama sa “bold, brilliant, and beautiful.”

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)

Isa lamang ang Forgotten Island sa mga galawan ni Liza sa international entertainment scene. Noong 2024, siya ang love interest sa music video ng Thai star na si Bright.

Panoorin ang buong music video sa ibaba.

Noong Agosto ng nakaraang taon, umattend sa Variety's Power of Young Hollywood party si Liza. Kasama rin sa party ang mga celebrity na sina Tyla, Stranger Things' Finn Wolfhard, The White Lotus' Sam Nivola, at Olympian na si Simone Biles. Sa caption, sinulat ni Liza ang kanyang pasasalamat sa Variety para sa “fun night.”

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)

Naging jury member din ng Ho Chi Minh City International Film Festival si Liza. Maliban sa pasasalamat sa pagiging parte ng jury, inilarawan din ni Liza ang festival bilang “an amazing showcase of talented filmmakers.” Ibinahagi rin niya na na-inspire siyang ipagpatuloy ang trabaho sa isang industriya na “encourages freedom of expression and challenges the way we think.”

RELATED GALLERY: Liza Soberano's Vietnam trip is giving us major travel envy