What's on TV

LJ Reyes, kakaiba ang reaksyon sa tuwing hindi sumusunod ang anak na si Aki

By Dianne Mariano
Published August 26, 2021 10:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

SONA 2026: Yassi Pressman, young designer give Terno a Filipiniana glow-up
4 nabbed; alleged gold ore, P9M equipment seized in Surigao City
Grill, Fry, and Impress: The kitchen upgrade every home cook needs

Article Inside Page


Showbiz News

LJ Reyes and Aki Avelino


Ano nga ba ang reaksyon ni Kapuso actress LJ Reyes kapag hindi sumusunod ang kanyang anak na si Aki? Alamin ang kuwento dito:

Ibinahagi ni Mars Pa More guest co-host LJ Reyes na nagiging palengkera siya tuwing hindi sumusunod ang kanyang unico hijo na si Aki.

Photo courtesy Mars Pa More Facebook

Sa segment na “Grab-A-Word” ng Mars Pa More kamakailan, kailangan ilabas nina Camille Prats, LJ Reyes, Ashley Rivera, at Angelu de Leon ang kanilang saloobin base sa salitang makukuha nila mula sa board.

Para ma-practice ang social distancing, kailangan nila tumakbo mula sa starting line papunta sa board upang makuha ang gusto nilang salita at paunahan makabalik sa pinagmulan at isisigaw ang salitang “mine”.

Para sa larong ito, dapat nila mabuo ang sentence na “Lumalabas ang pagka___ ko tuwing may mawi-witness akong ___” gamit ang salitang nabunot.

Nakuha naman ni LJ ang salitang “palengkera” at bago niya mabuo ang pangungusap ay pabirong sinabi ni Angelu na puwede rin daw siya bumanggit ng pangalan ng tao o lugar.

Photo courtesy Mars Pa More Facebook

“Parang may ine-expect kang sasabihin kong pangalan ah,” nakatutuwang bahagi ni LJ.

Patuloy niya, “Mas kay Aki siguro kasi paulit-ulit. Kapag hindi ako sinusunod ni Aki.

“'Yong paki-ligpit. 'Hindi mo nanaman niligpit 'di ba sinabi ko kanina magligpit ka. Mga 10 beses ko na sinasabi magligpit ka'. Babalik ulit ako. 'Oh hindi pa rin naka-ligpit, ano ba naman 'yan... Ako na nga lang.'”

Pabiro naman na sinabi ni Camille na kung ang aktres ang kanyang naging nanay ay mukhang mahihirapan daw siya sumunod dahil sa hinhin ng boses nito.

Si Aki ang anak ni LJ Reyes sa kanyang ex-boyfriend na si Paulo Avelino. Mayroon din siyang unica hija na si Summer Ayana kay Kapuso actor Paolo Contis.

Alamin ang nakatutuwang mga sagot at kuwento nina Camille Prats, LJ Reyes, Ashley Rivera, at Angelu de Leon sa “Grab-A-Word” segment sa Mars Pa More episode sa itaas.

Kapag hindi naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maari itong mapanood DITO.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, patuloy na subaybayan ang Mars Pa More mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Network.

Samantala, tingnan ang napaka-cute na sibling bonding moments nina Aki at Summer Ayana sa gallery na ito: