GMA Logo Bodjie Pascua and Gigi Locsin
What's Hot

Lolang nawalan ng asawa dahil sa 'away aso,' tinulungan ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published January 10, 2023 3:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - House begins deliberations on VP Sara Duterte impeachment raps (Mar. 2) | GMA Integrated News
Marcos: Pangasinense caregiver killed during airstrike on Israel

Article Inside Page


Showbiz News

Bodjie Pascua and Gigi Locsin


Isang bagong simula ang hatid ng 'Wish Ko Lang' para kay Lola Angie na namatayan ng asawa dahil sa "away aso."

Sa pagsisimula ng bagong taon, bagong pamilya ang nabigyan ng pag-asa ng wish-granting program na Wish Ko Lang.

Isang lola na namatayan ng asawa ang tinulungan ng Wish Ko Lang noong Sabado, January 7, sa "Wish Ko Lang: Away Aso." Tampok sa episode na ito ang masakit na nangyari sa asawa ni Lola Angie (Gigi Locsin), na pinagtulungang bugbugin ng mga kapitbahay na sina Lando (Paolo Paraiso) at Renz (Saviour Ramos) matapos na sitahin dahil sa pagiging iresponsableng dog owner ng mga ito.

Please embed: Photo 5

Sa ngayon, hustisya ang hiling ni Lola Angie sa pagkamatay ni Lolo Jaime (Bodjie Pascua).

"Ang gusto namin mahuli na 'yung pumatay," sabi ni Lola Angie sa Wish Ko Lang.

Ayon sa Philippine National Police, nahuli na si Lando at kasalukuyang nililitis ang kaso nito. Pero ang isa pang akusado na si alyas Renz ay patuloy pa ring pinaghahahanap ng mga awtoridad.

Para matulungan makapagsimulang muli, ngayong bagong taon ay naghanda ng sorpresa ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales para sa pamilya ni Lola Angie.

Kasama sa negosyo packages na nagkakahalaga ng PhP60,000 ang food cart merienda business, karinderia business, leche flan business, at frozen goods business.

May handog din na libreng medical assistance ang Wish Ko Lang para kay Lola Angie at para naman sa legal assistance ay inilapit din siya ng programa kay Atty. Noel Del Prado.

Hindi rin mawawala ang tulong na pinansyal ng Wish Ko Lang para sa bagong simula ng kanyang pamilya.

Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

KILALANIN ANG SOCIAL MEDIA STARS NA NAPANOOD NA SA 'WISH KO LANG' DITO: