
Tila ayaw maniwala ng talent manager at showbiz writer na si Lolit Solis na lalaki ang second child nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
MUST-WATCH: Gender of Dingdong Dantes and Marian Rivera's second child is what Zia Dantes prayed for
Sa isang mahabang Instagram post, ibinahagi ni Manay Lolit na may kasabihan daw na kapag lalaki ang ipinagbubuntis ay medyo hindi kagandahan ang nagdadalantao. Si Marian daw kasi, napakaganda pa rin.
Aniya, "Ang ganda-ganda talaga ni Marian Rivera sa second pregnancy niya Salve. Ayaw ko na tuloy maniwala sa kasabihan na pag lalaki ang magiging anak mo medyo hindi kagandahan ang isang buntis. Bakit si Marian ang ganda-ganda eh boy magiging anak?"
Dagdag pa niya, blessed talaga ang mag-asawa dahil sa pagiging mabuting mga magulang kay Zia.
"Isa talagang blessing sa pamilya Dantes na nadagdagan na naman ang kanilang member. At buo na ha tatay, nanay, baby girl at baby boy. Lucky parents dahil mabuting mga magulang sila Dingdong Dantes at Marian Rivera. Talagang nakita ko ang hands on na pag-aalaga nila kay Zia at sure ako na ganung alaga din ang ibibigay nila sa baby boy nila. Heaven really favors good people at siguro iyon ang dahilan why all wishes of Dong and Yan are granted, their dreams given, dahil they are good people and good parents. Congrats Dantes family."