What's Hot

Lolit Solis, bakit ayaw na magkaroon ng show ulit?

Published October 9, 2018 12:04 PM PHT
Updated October 9, 2018 1:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 17, 2025
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News



Sa kanyang post sa Instagram, inalala ng beteranang showbiz reporter at manager ang naging samahan nila sa dating Kapuso show na 'Startalk.'

Sa kanyang post sa Instagram, inalala ng beteranang showbiz reporter at manager ang naging samahan nila sa dating Kapuso show na Startalk.

READ: Lolit Solis, napa-reminisce tungkol sa 'Startalk'

Halatang hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin si Manay Lolit sa pagtatapos nito noong September 2015.

"Noon ko pa sinasabi, Salve, more than the pay you get from your work, what really hurts your heart [ay] 'yung maghihiwalay na kayo ng mga katrabaho mo na kasama mo almost everyday. Iyon sa tagal n'yo together ay more than magkapatid na feeling n'yo. Nang mawala ang Startalk parang catatonic ang feeling ko. Ang dami sa kasama namin, dalaga at binata pa, nag-asawa, nagkaanak na kasama namin nina Butch at Ricky."

Paliwanag pa ni Manay Lolit, hindi matatawaran ang naging samahan nila sa Startalk kaya mahirap ito kalimutan.

"For more than 20 years parang nanay ka talaga sa grupo na iyong mga staff, the pay was good, the freebies will spoil you, but more than that, iyon samahan ninyo hindi mo malilimutan. Iyon mga kasama mong ikinasal, parang anak mo rin nang ikinasal. Nang manganak iyon mga babae, parang baby mo rin iyong ipinanganak."

Kaya naman daw sobra siyang nalungkot sa pagtatapos nito na umere sa GMA ng halos 20 na taon. At dahil ayaw na niyang maramdaman ang sakit at pagkadismaya na naranasan, ayaw na niya magkaroon ng programa muli.

"Feel ko iyon feeling na nawawala ka sa show kung nasaan ka. Iyon lungkot imposible 'di mo madama. Parang half of you namatay. Kaya nga after Startalk ayoko ko na magkaroon ng show. Actually tanggap ko na hindi ako naging mabuting host, hah hah. Dati queen lang ako, dekorasyon lang, pero dahil nga sa samahan namin na feeling family, for a while nag-ilusyon ako na isa akong host hah hah. Dito na lang ako babati sa Insta ko, at iyon mga followers ko na bago ko family, promise."

Noon ko pa sinasabi Salve, more than the pay you get from your work, what really hurt your heart yung maghihiwalay na kayo ng mga ka-trabaho mo na kasama mo almost everyday. Iyon sa tagal n'yo together ay more than magkapatid na feeling n'yo. Nang mawala ang Startalk parang catatonic ang feeling ko. Ang dami sa kasama namin, dalaga at binata pa, nag-asawa, nagka-anak na kasama namin nila Butch at Ricky. For more than 20 years parang nanay ka talaga sa grupo na iyong mga staff, the pay was good, the freebies will spoil you, but more than that, iyon samahan ninyo hindi mo malilimutan. Iyon mga kasama mong ikinasal, parang anak mo rin nang ikinasal. Nang manganak iyon mga babae, parang baby mo rin iyon ipinanganak. Kaya feel ko iyon feeling na nawawala ka sa show kung nasaan ka. Iyon lungkot imposible 'di mo madama. Parang half of you namatay. Kaya nga after Startalk ayoko ko na magkaroon ng show. Actually tanggap ko na hindi ako naging mabuting host, hah hah. Bati queen lang ako, dekorasyon lang, pero dahil nga sa samahan namin na feeling family, for a while nag-ilusyon ako na isa akong host hah hah. Dito na lang ako babati sa Insta ko, at iyon mga followers ko na bago ko family, promise. #instatalk #lolitkulit❤️ #71naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on