GMA Logo Lolit Solis Ramon Revila Sr
What's Hot

Lolit Solis, ibinahagi ang detalye ng libing ni Ramon Revilla, Sr.

By Cherry Sun
Published June 30, 2020 11:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Lolit Solis Ramon Revila Sr


Lubos na nakikiramay si Manay Lolit Solis sa naulilang pamilya ni Ramon Revilla, Sr.

Idinetalye ni Lolit Solis ang magiging libing ng dating senador at beteranong aktor na si Ramon Revilla, Sr. Namayapa ang huli dahil sa heart failure nitong Biyernes, June 26.

Ani Lolit, “Ililibing na sa Thursday, July 2 si Mang Ramon Revilla, Salve. Sa family mausoleum nila ilalagak ang kanyang katawan katabi ng asawang si Azucena, nanay nila Bong Revilla.”

Palagay ng talent manager ni Bong Revilla, sa kabila ng pagpanaw ng nakatatandang Revilla ay nananatiling malapit ang pamilya at mga anak nito.

Patuloy niya, “Kahit pa nga masakit sa puso ng magkakapatid ang pagkamatay ng ama , sa 93 years nito malaking bonus na para sa kanila na mahaba ang panahon nakapiling nila ito.

“Sobra ang closeness ng magkakapatid, kahit pa nga iyon mga kapatid nila sa ibang naging bahagi ng buhay pag-ibig ni Mang Ramon. Basta para sa kanila, kapatid nila sa dugo ang mga ito, pare-pareho sila ng ama, kaya dapat magkakalapit sila at magmahalan lahat.

“Paalam na Mang Ramon, at patuloy nyo gabayan ang mga naiwan nyong anak.”

Ililibing na sa thursday July 2 si Mang Ramon Revilla, Salve. Sa family mausoleum nila ilalagak ang kanyang katawan katabi ng asawang si Azucena, nanay nila Bong Revilla. Kahit pa nga masakit sa puso ng magkakapatid ang pagkamatay ng ama , sa 93 years nito malaking bonus na para sa kanila na mahaba ang panahon nakapiling nila ito. Sobra ang closeness ng magkakapatid, kahit pa nga iyon mga kapatid nila sa ibang naging bahagi ng buhay pag-ibig ni Mang Ramon. Basta para sa kanila, kapatid nila sa dugo ang mga ito, pare-pareho sila ng ama, kaya dapat magkakalapit sila at magmahalan lahat. Paalam na Mang Ramon, at patuloy nyo gabayan ang mga naiwan nyong anak. Goodnight. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako

Isang post na ibinahagi ni LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) noong

Isinugod sa ospital ang ama ng mga Revilla noong May 31 bago ito tuluyang bawian ng buhay. Siya ay pumanaw sa edad na 93.

Official statement of Sen. Ramon "Bong" Revilla, Jr. on the death of his father

IN PHOTOS: The life and times of Ramon Revilla Sr.