GMA Logo Lolit Solis, Ellen Adarna, Derek Ramsay
What's Hot

Lolit Solis, kinikilig kina Derek Ramsay at Ellen Adarna

By Cherry Sun
Published January 20, 2021 11:08 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jabari Smith Jr., Kevin Durant power Rockets past Pelicans
Bureau of Immigration arrests Estonian vlogger for harassing locals in PH
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade

Article Inside Page


Showbiz News

Lolit Solis, Ellen Adarna, Derek Ramsay


“Kilig pa rin dahil hot babe at hunky heartthrob ang partner, o di ba hottie couple.” Nali-link ngayon sina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Kahit pinabulaanan na ang bali-balitang may namamagitan kina Derek Ramsay at Ellen Adarna, in full support pa rin ang talent manager at talk show host na si Lolit Solis sa dalawa.

Lolit Solis Ellen Adarna Derek Ramsay

Noong January 11, ibinahagi ni Ruffa Gutierrez ang mga video at litrato nina Derek at Ellen na tila intimate sa isa't isa. Dahil dito ay nagsimula ang usap-usapang may nagsisimulang mas malalim na pagtitinginan sa dalawang sexy actors.

Ayon kay Ruffa ay wala raw malisya sa pagitan nina Derek at Ellen at sinabi rin ni Ellen na hindi niya gusto ang Kapuso hunk. Gayunpaman, hindi pa rin mamatay-matay ang isyu.

Sa katunayan, sa isang post ni Lolit ay inamin pa niyang suportado niya ang dalawa.

Aniya, “Hangga ngayon Salve kilig pa ako sa Derek Ramsay at Ellen Adarna pairing hah! Mukhang ang cupid nila si John Estrada na bff ni Derek kaya siguro match niya iyon dalawa na pareho heartbroken at loveless na. Whatever maging resulta ng first stage ng flirting nila Derek at Ellen, kilig pa rin dahil hot babe at hunky hearthrob ang partner, o di ba hottie couple. Personality wise bagay ang dalawa, parehong playful, articulate at malalim. Saka bongga combination, mukhang magiging maganda ang product nila kung sakali, hah hah.

“Pero this time , palagay ko mas cautious na ang dalawa, alam na nila ang roller coaster ride ng isang relasyon, sure ako take it easy na lang at parang nilalaro nila imagination ng publiko. At kahit ano pa sabihin nyo hot news sila kaya dami nag-aabang sa mga ganap nila. Derek at Ellen, bombastic, o di bah! Pasabog talaga.”

Isang post na ibinahagi ni Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Hulingn nakarelasyon ni Derek ang kanyang Kapuso leading lady na si Andrea Torres. Nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon nitong November 2020. Samantala, noong nakaraang taon ay isinapubliko naman ni Ellen ang kanyang long-distance relationship.

Kilalanin kung sino-sino ang mga lalaking naging bahagi ng buhay ni Ellen sa gallery sa ibaba: