GMA Logo Jeric Gonzales and Rabiya Mateo
What's Hot

Lolit Solis, may reaksyon sa balitang relasyon nina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo

By Aimee Anoc
Published December 26, 2021 6:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Jeric Gonzales and Rabiya Mateo


Mayroon nga bang relasyon sina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo?

Nagbigay ng reaksyon si Lolit Solis sa kumakalat na balita tungkol sa umano'y relasyon nina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo.

Sa Instagram, sinabi ni Lolit na maaaring hindi raw itinatago nina Jeric at Rabiya ang tunay na relasyon dahil nakita ang mga itong "very sweet" sa isang amusement park sa Laguna.

Ayon kay Lolit, kung tunay mang may relasyon sina Jeric at Rabiya siguro raw ay noon pa mayroon nang "nag-bloom na love" sa dalawa.

"Bagay naman sila dahil beauty queen si Rabiya Mateo, at matangkad at pogi naman si Jeric Gonzales."

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Nag-iwan din ng katanungan si Lolit kung sakaling may bagong love team kina Jeric at Rabiya. "Wait tayo ng ending nito, tuloy sa altar, o career muna para mas maayos ang future. Ano pipiliin ng dalawa? Wait natin."

Kamakailan lamang nang kapwa bumida sina Jeric at Rabiya sa "Magkaibigan" episode ng Wish Ko Lang na ipinalabas noong November 27.Inside link:

Kasalukuyang nasa lock-in taping si Rabiya para sa book two ng upcoming series na Agimat ng Agila kasama sina Bong Revilla at Sanya Lopez.

Samantala, mas kilalanin pa si Kapuso actress Rabiya Mateo sa gallery na ito: