GMA Logo Lolit Solis Derek Ramsay and Andrea Torres
What's Hot

Lolit Solis sa hiwalayang Derek Ramsay-Andrea Torres: "Huwag na tayo mag-judge o mag-speculate"

By Cherry Sun
Published November 20, 2020 10:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

A Christmas nativity scene on display in Port Washington
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Lolit Solis Derek Ramsay and Andrea Torres


Kinumpirma ni Derek Ramsay na hiwalay na sila ni Andrea Torres. Alamin ang buong komento ni Lolit Solis tungkol dito.

Maraming espekulasyon ang bumabalot sa hiwalayan nina Andrea Torres at Derek Ramsay. Kahit ang beteranong talk show host at manager na si Lolit Solis ay may sariling opinyon tungkol sa nakakagulat na balita na ito.

Derek Ramsay and Andrea Torres

Nagsimula ang usap-usapang naghiwalay na ang dalawang Kapuso stars matapos nilang burahin ang kanilang mga litrato sa kanilang personal Instagram accounts at i-unfollow ang isa't isa sa naturang social media platform.

Matapos ang mahigit isang taon in a relationship, kinumpirma ni Derek kahapon, November 19, ang kanilang break-up.

Kumbinsido si Lolit na seryoso ang Kapuso hunk sa aktres kaya't pati siya ay hindi makaiwas na magkomento sa pangyayari.

Aniya, “Ang dami speculation sa reason ng break up nila Derek Ramsay at Andrea Torres, Salve. Para bang hindi na lang matanggap na baka talagang it is not meant to be, kaya naputol ang relasyon. Sure ako na both parties are grieving, both are sad, pareho nanghinayang sa ending ng love story nila.”

Hiling din ni Lolit na huwag nang intrigahin ang dating magkasintahan at sana'y magkaayos pa sila kahit bilang magkaibigan.

Patuloy niya, “Kundi talaga puwede na ma-save pa, let us just pray na maka-move on sila Derek at Andrea at maging mabuting friends sa isa't isa. They are both good people at kaya naman nagtagal ng more than a year ang kanilang love dahil they really feel in love. Siguro nga, may mga bagay na hindi nila kinaya kaya nauwi sa break up.

“I hope they can easily recover and bounce back without pain and regrets. They both deserve to be happy, and let us help them out. Huwag na tayo mag judge o mag speculate. Love lost, find it again, iyon na lang idasal natin sa dalawa.”

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis)