
Nanatililing positibo ang pananaw ng entertainment columnist at Startalk host na si Lolit Solis na tungkol sa relasyon ng Kapuso power couple na sina Derek Ramsay at Andrea Torres.
Pumutok ang isyung diumano'y hiwalay na ang dalawa, matapos i-unfollow ni Andrea si Derek sa Instagram.
Base naman sa source na nakausap ng 24 Oras na dapat hayaan muna ng publiko ang dalawa para suriin ang estado ng kanilang relasyon.
“They are mature individuals and we trust that they will be able to do the right things and make the right decisions."
Sa Instagram post naman ng veteran showbiz columnist na si Lolit Solis ngayong Miyerkules, November 18, nalungkot daw siyang marinig na nagkakalabuan diumano sina Derek at Andrea.
“Medyo na sad naman ako Salve sa balita na nag break na sila Derek Ramsay at Andrea Torres.
"Kasi para naman very much in love sila sa mga photos na nakikita ko, at talagang they look good together.
“Parang ang ganda ganda naman ng relasyon nila at happy sila.
“Lagi pa nga nababanggit na pati mga pamilya nila approve sa kanilang love affair.”
Ipinagtanggol din ni Lolit si Derek Ramsay at naniniwala ito na seryoso siya sa Kapuso actress.
Paliwanag niya, “Hindi ako naniniwala na hindi seryoso si Derek kay Andrea, dahil kita mo na very proud at loving siya pag kasama niya ito. Kahit si Andrea kita mo rin na seryoso sa kanilang relationship.”
Hiling din ng Startalk host na maayos ang gusot sa pagitan ng dalawa at dagdag niya na she wants the “best for both of them.”
Pagpapatuloy ni Lolit, “Kung meron man kinks o problema sana maayos nila, mapag usapan , ma save ang relasyon kasi nga sayang ang emosyon na invest , iyon naging maganda nilang pagsasama. Baka konti lang naman ang misunderstanding at maayos pa.”
“Walang pressure at malay mo ito ang maging dahilan para mas tumibay pa ang love nila. Baka dahil dito mas makilala nila ang side ng isa't isa.
“Give them a little space, iyon lang. At kung talaga hindi ma save, irespeto natin ang desisyon nila, and pray na sana malagpasan nila at makita nila ang happiness na hanap nila kahit hindi na sila.
“Just make the best decision for yourselves, Derek and Andrea, no pressure, only the best for both of you.”
Kinumpirma nina Andrea at Derek ang kanilang relasyon noong September 2019, matapos ang primetime series nila na The Better Woman.
Derek Ramsay answers bashers amid rumored breakup with Andrea Torres
Timeline of Derek Ramsay-Andrea Torres relationship