GMA Logo Lolong
What's on TV

'Lolong,' binasag ang sariling ratings record

Published August 25, 2022 3:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Labi ng OFW na nakitang patay sa kaniyang kuwarto sa Abu Dhabi, naiuwi na sa Iloilo
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Lolong


Lalo pang tumaas ang ratings ng 'Lolong' sa August 24 episode nito.

Binasag ng dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong ang sarili nitong ratings record.

Ang maaksiyong August 23 episode kung saan nagpatuloy ang bakbakan ng mga Atubaw at puwersa ng mga Banson ay nakapagtala ng 18.0 combined ratings mula sa GMA at GTV ayon sa tala ng Nielsen Philippines.

Pero nakapagtala pa ng mas mataas na ratings ang ang episode kagabi, August 24, na ika-38 episode ng serye.

Umani ito ng 18.3 combined ratings mula sa GMA at GTV na mataas kaysa sa 9.4 combined ratings ng katapat ng programa mula sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, at CineMo.

Ito ang pinakamataas ng ratings ng Lolong to date.



Sa episode na ito isiniwalat na nakapatay si Armando Banson (Christopher de Leon) ng isang batang Atubaw na wala pang kakayanang pagalingin ang kanyang sarli. Dito na nag-ugat ang hidwaan ng mga Banson at ng mga Atubaw.


Bukod dito, kinumprunta na ni Elsie (Shaira Diaz) si Lolong (Ruru Madrid) dahil sa patuloy niyang paglilihim sa kaibigan.

Samantala, sa episode naman ngayong gabi, August 25, may lihim na ipagtatapat si Narsing (Bembol Roco) kay Karina (Rochelle Pangilinan) tungkol sa mga Atubaw at sa Isla Pangil at ikakasama ito ng loob ni Lolong.

Patuloy na tumutok sa most-watched television series of 2022 na Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.