
Pinag-usapan ng marami at nag-trending online ang teaser para sa bagong teleserye ng Pambansang Bae na si Alden Richards, ang Victor Magtanggol.
Alden Richards, bibida sa telefantasya sa pagbabalik niya sa primetime
Marami ang na-excite sa pagbabalik teleserye ni Alden. May kaniya-kaniya na ring hula ang mga Kapuso sa magiging istorya ng Victor Magtanggol at sa magiging role ni Alden dito.
Nagpakita rin ng suporta ang netizens at sinabing naniniwala sila sa kakayahan ni Alden bilang isang magaling na aktor.
Mismong si Alden ay nagpakita ng determinasyon para sa bagong role bilang Victor Magtanggol.
Passion, determination, courage, hard work and faith. Magbabalik na po tayong muli. ????? #AldenRichardsIsVictorMagtanggol
— Alden Richards (@aldenrichards02) May 25, 2018
Panoorin ang pasilip sa Victor Magtanggol: