
Kumasa sa “What's on your camera roll?” challenge ang real-life couple na sina Barbie Forteza and Jak Roberto para sa #BarbieArtisTakeover.
Sa official Instagram page ng Kapuso network, nag-exchange ng phones at ipinakita nina Barbie at Jak ang ilang litrato sa kani-kaniyang camera roll.
At isa sa litratong nakita ni Barbie ay ang mala-Dante Gulapa pose ni Jak.
“Explain,” ani Barbie habang tumatawa.
Nang makita ito ni Jak ay napatawa na lang ito ng malakas at sinabing, “Mahal, 'di ko nga pinost yan at napaka-censored!”
“Pwede naman natin lagyan ng emoji!” suggestion ni Barbie.
Barbie Forteza: Taking It All in Stride
Sa parehong challenge, humirit naman ang Pambansang Abs nang makita ang litrato ni Kapuso Drama King Dennis Trillo sa gallery ni Barbie.
Tanong ni Jak, “Bakit naka-save ito sa gallery mo?”
“E siyempre pag meron kang mga idol, ise-save mo sa phone mo, 'di ba? 'Pag may mga idol ka na ina-admire mo, mga ganun!” paliwanag ng aktres.
Sa kaniyang pag-scroll, ilang litrato pa ni Dennis ang nakita ni Jak sa camera roll ni Barbie.
Maalalang, showbiz crush ni Barbie si Dennis Trillo at pangarap niyang makatrabaho ito sa hinaharap.
Panoorin ang buong “What's on your camera roll?” challenge sa official Instagram page ng GMA Network.
EXCLUSIVE: Barbie Forteza on 'Family History': "It's a breath of fresh air."
WATCH: 'StarStruck' Male Hopefuls, nakasama sa romantic drama scene si Barbie Forteza