
Welcome to the Christian world, Ali Joakim!
By AEDRIANNE ACAR
Bongga ang naging binyag ng bunsong anak ng Bubble Gang star na si Chariz Solomon sa kanyang non-showbiz husband na si Nestro Ng.
Nag-post ng ilang larawan sa Instagram ang ilan sa mga guest na dumalo sa event tulad ni Kapuso actress Gwen Zamora at Djanin Cruz na mga ninang ni Ali Joakim.
Pinili din ni Chariz na godmother ng kanyang anak si Carol Bunagan na misis ni Kapuso Comedy genius Michael V.
Matatandaan na ipinanganak ni Chariz si Ali Joakim noong December 2015. Nauna na din bininyagan ang panganay na anak ng co-star ni Chariz sa Pepito Manaloto na si Jen Rosendahl noong nakaraang Linggo.
MORE ON CHARIZ SOLOMON:
Chariz Solomon balik 'Bubble Gang' na matapos manganak
9 funniest celebrity moms