
Sagot na ng buong cast ng high-rating sitcom na Jose and Maria's Bonggang Villa ang tawanan this Friday, dahil makikipagtagisan sila sa galing sa paghula ng top survey answers sa Family Feud.
Makakasama ni Jose Villa este Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sina Benjie Paras, Pekto, Hershey Neri, at Sparkle heartthrob Jamir Zabarte.
Mapataob kaya nila ang team ng Love You Stranger led by Gabbi Garcia at Khalil Ramos mamayang hapon?
Matatandaan na noong Mayo, nag-guest na rin sa Family Feud ang misis ni Dong na si Marian Rivera.
Tingnan ang mga aabangan na eksena sa hit Kapuso game show sa video below
Kilalanin naman ang versatile at funny cast ng Jose and Maria's Bonggang Villa sa gallery na ito.