
Nag-ala-paparazzi si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa set ng inaabangang Philippine adaptation ng hit Korean series na Descendants of the Sun.
Ngayong Martes, August 27, ipinasilip niya sa Instagram ang isa mga iconic scene sa naturang serye kung saan kinompronta ni Lt. Moira si Sgt. Diego habang nasa ospital.
Sulat ni Dingdong sa caption,"Remember this scene? #DOTSPh"
Agad namang nag-react si Rocco Nacino, na siyang gumaganap sa papel ni Sgt. Diego Ramos, sa larawan kung saan ka-eksena niya si Jasmine Curtis Smith, na gumaganap naman sa papel ni Lt. Moira Defensor.
Ika ni Rocco, "Nice shot bro!"
Samantala, lalo namang na-excite ang fans sa muling pagpapalabas ng Descendants of the Sun.
WATCH: Dingdong Dantes at Rocco Nacino, nagbigay-pugay sa mga sugatang sundalo
WATCH: Rocco Nacino, nagpa-enlist na sa Philippine Navy