
Matapos pumutok ang kaso ng coronavirus sa bansa noong buwan ng Marso, isa sa pinakamatinding tinamaan nito ang entertainment industry.
Para mapigilan kasi ang pagkalat ng naturang sakit nagdesisyon ang mga malalaking TV network na pasamantala muna itigil ang taping ng mga show.
Nadamay na din ang shooting ng mga pelikula at commercial endorsements.
Sa pagre-relax ng quarantine protocols ng gobyerno sa Metro Manila, muli nang nabubuhay ang showbiz industry.
At isa mga nagbalik trabaho na ang Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista.
Ipinasilip ni Heart sa Instagram Story ang ilan sa mga ginawa niya sa GMA Network studios sa Quezon City this Tuesday, June 9.
Makikita na mahigpit na sinunod ni Heart ang social distancing protocols na ipinapatupad sa loob ng GMA-7.
Sa isa naman niyang post, lumabas ang pagiging komedyante ni Heart na humirit siya na hindi na siya sanay magsuot ng heels matapos ang ilang buwang pamamalagi sa loob ng bahay.
Kayo mga Kapuso, sinu-sino sa mga celebrity ang nami-miss n'yo?
Heart Evangelista starts sending more than 500 free tablets to recipients
Heart Evangelista's ex boyfriend comments on her painting on Instagram