GMA Logo Heart Evangelista busy na sa trabaho
What's Hot

LOOK: Heart Evangelista, balik-trabaho na!

By Aedrianne Acar
Published June 9, 2020 3:10 PM PHT
Updated June 9, 2020 3:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rider, nag-counterflow sa EDSA Busway; lisensiya at OR/CR, naiwan matapos tumakas
Here's how Miss Supranational PH Katrina Llegado spent her first week in Poland
Meet OPM band Tuwina

Article Inside Page


Showbiz News

Heart Evangelista busy na sa trabaho


Ipinasilip ng 'Queen of Creative Collaborations' na si Heart Evangelista ang mga ginawa niya sa first day ng pagbabalik sa trabaho.

Matapos pumutok ang kaso ng coronavirus sa bansa noong buwan ng Marso, isa sa pinakamatinding tinamaan nito ang entertainment industry.

Para mapigilan kasi ang pagkalat ng naturang sakit nagdesisyon ang mga malalaking TV network na pasamantala muna itigil ang taping ng mga show.

Nadamay na din ang shooting ng mga pelikula at commercial endorsements.

Sa pagre-relax ng quarantine protocols ng gobyerno sa Metro Manila, muli nang nabubuhay ang showbiz industry.

At isa mga nagbalik trabaho na ang Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista.

Ipinasilip ni Heart sa Instagram Story ang ilan sa mga ginawa niya sa GMA Network studios sa Quezon City this Tuesday, June 9.

Makikita na mahigpit na sinunod ni Heart ang social distancing protocols na ipinapatupad sa loob ng GMA-7.

Sa isa naman niyang post, lumabas ang pagiging komedyante ni Heart na humirit siya na hindi na siya sanay magsuot ng heels matapos ang ilang buwang pamamalagi sa loob ng bahay.


Kayo mga Kapuso, sinu-sino sa mga celebrity ang nami-miss n'yo?


Heart Evangelista starts sending more than 500 free tablets to recipients

Heart Evangelista's ex boyfriend comments on her painting on Instagram