
May big surprise ang multi-awarded Kapuso gag show na Bubble Gang para sa inyo mga Kababol, dahil isang dekalibreng aktres ang makikigulo at magbibigay ng good vibes soon sa inyo pagpatak ng Biyernes ng gabi.
Matapos pumirma ng kontrata ang showbiz jewel na si Bea Alonzo sa GMA Network noong Hulyo, magi-guest naman siya sa flagship comedy program ng GMA-7.
Sa post ni Bea sa Instagram Story, excited na siya makigulo sa taping ng Bubble Gang last Monday, September 27.
Source: beaalonzo (IG)
Samantala, may nakakatawang hirit naman ang comedienne-actress na si Herlene “Hipon Girl” Budol na guest din sa Bubble Gang nang makita ng personal si Bea.
Post niya sa Instagram na handa daw siya magpasampal sa award-winning TV-movie star.
Nauna na rin nag-guest si Bea Alonzo sa late-night comedy program na The Boobay and Tekla Show.
Anu-ano kayang sketches o gags ang gagawin niya sa Bubble Gang?
Laging maging updated sa latest news and happenings mga Kababol by visiting GMANetwork.com 24/7!
Heto naman ang mga dating Kapamilya stars na proud Kapuso na ngayon sa gallery below.