GMA Logo Bea Alonzo
What's on TV

Bea Alonzo, mapapanood sa 'The Boobay and Tekla Show'

By Dianne Mariano
Published September 9, 2021 9:47 AM PHT
Updated September 9, 2021 10:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Indian family of alleged Bondi gunman didn't know of 'radical mindset', Indian police say
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo


Abangan ang bagong Kapuso na si Bea Alonzo sa kanyang masayang kwentuhan kasama sina Boobay at Tekla.

Mapapanood na ngayong Linggo ang special guest appearance ni newest Kapuso na si Bea Alonzo sa The Boobay and Tekla Show.

Ito ang kauna-unahang pagtapak ng aktres sa GMA Network studios matapos maging isang official Kapuso at makakatanggap ito ng maligayang pagdating mula kina Boobay, Tekla, at Mema Squad.

Isang kaabang-abang na usapan ang handog ng interview segment na “May Pa-Presscon” kung saan mangangako si Bea na sagutin ang pinakamahirap na mga tanong tungkol sa pag-ibig - mula sa heartbreak hanggang sa moving on, pati na rin ang kanyang relationship at career plans ngayon na siya'y nasa GMA.

Ilalahad din ni Bea ang mga aral na natutunan nito mula sa isang masakit na break-up at kung bakit siya naging in love sa kanyang kasalukuyang nobyo na si Dominic Roque.

Maliban dito, ibabahagi rin ng aktres ang kanyang saloobin tungkol sa pag-aasawa o marriage.

Sa nakatutuwang segment na “Birit Showdown," ipapamalas ng award-winning actress at one-time recording artist ang kanyang talento sa pagkanta at comedic timing.

Masisilayan dito ang pag-awit ni Bea sa isang popular na kanta ni international singer Adele.

Bago matapos ang masayang gabi, haharapin muna nina Boobay, Tekla, at Mema Squad ang kanilang worst critics sa nakakatawang segment na “Ang Harsh!” kung saan mag-rereact sila sa meanest comments online.

Tuloy-tuloy lang ang laugh trip kahit mayroong krisis kaya huwag palampasin ang kaabaang-abang na episode na ito ng The Boobay and Tekla Show ngayong September 12, 10:15 p.m. sa GMA Network pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, silipin ang maiinit na larawan ni bagong Kapuso Bea Alonzo sa gallery na ito: