
Sa unang pagkakataon, nagkita sina Manila Mayor Isko Moreno at Pasig City Mayor Vico Sotto.
Sa larawan na ibinahagi ng Manila Public Information Office sa social media, nakasaad na nagkita sina Isko at Vico sa ginanap na “MVP Superhero Fun Run” sa Pasig City kaninang umaga, July 20.
Nakasama rin nila sa naturang event ang businessman na si Manny V. Pangilinan.
Naging matunog ang pagkapanalo nina Isko at Vico sa pagka-mayor dahil sa natalo nila ang malalaking pangalan sa pulitika.
IN PHOTOS: Celebrities na nanalo sa #Eleksyon2019
Sa Manila, nakalaban ni Isko ang dating Presidente at Manila Mayor na si Joseph “Erap” Estrada.
KMJS: A day in the life of Mayor Isko Moreno
Samantala, tinalo naman ni Vico ang dating mayor ng Pasig na si Bobby Eusebio.
Ito rin ang naging pagwawakas ng 27 taong pamumuno ng mga Eusebio sa lungsod ng Pasig.
'KMJS:' Kilalanin si Vico Sotto, ang Millennial Mayor ng Pasig