Celebrity Life

LOOK: Jennylyn Mercado and Dennis Trillo meet Yorme

By Bianca Geli
Published December 28, 2019 1:03 PM PHT
Updated February 5, 2020 4:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

DenJen meets Yorme


Nakasama ng DenJen si Yorme matapos ang kanilang performance sa Maynila.

Sa gitna ng Christmas rush sa Maynila ay sumabak ang Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa pagba-busking sa Kartilya ng Katipunan Memorial Shrine sa Manila.

Sa isang 24-minute video na uploaded sa YouTube channel nilang dalawa, ipinakita nina Jennylyn at Dennis ang pakiki-jamming nila sa mga Manileño.

Matapos ang kantahan, nakapanayam ng dalawa si Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno.

Ayon kay Jennylyn, “Bilang pasasalamat mag-courtesy call kami.”

“Siyempre, respeto rin sa Mayor ng Maynila,” dagdag ni Dennis.

Nagpasalamat din si Mayor Isko sa pag-perform nina Jennylyn at Dennis.

Aniya, “Sa inyo, thank you dahil sumaya 'yung mga tao.”

Ibinahagi rin ni Mayor Isko ang kaniyang mga plano para sa Maynila.

“You know Jones Bridge where you can see the riverside?

"We have an idea like Clarke Quay and Boat Quay in Singapore. We're gonna do that. I just approved the plan,” kuwento ni Mayor Isko.

“Magiging walkable space na ang buong Lawton and if you wanna cross Intramuros you have to use underpass.

"We are now remodelling the underpass and tried to clean it up. We're going to develop Binondo, the heritage site.

Napansin din nina Jennylyn at Dennis na ang dating maruming Kartilya ng Maynila ay naging malinis na.

Balak daw ni Mayor Isko na magkaroon ng “more greens and more open space” sa Maynila.

“Yung Pasig River natanggal na 'yung mga bulok na barko doon, nilinis namin. We're really trying to do our best,” saad ni Mayor Isko.

Bago matapos ang video, nagpasalamat muli sina Jennylyn at Dennis dahil nakapag-perform sila sa Kartilya at nakasama si Mayor Isko.

Ani ni Jennylyn, “At sa lahat ng mga tumulong sa'min para makapag-perform kami rito, and of course kay Yorme, maraming maraming salamat.”

Panoorin:


LOOK: Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado dress as 'Descendants of the Sun' characters

LOOK: The medical team of 'Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation)'

Dennis Trillo, lubos na humanga sa OFW na ginampanan niya sa '#MPK'