What's Hot

LOOK: Kris Aquino, napasaya ng bulaklak na ipinadala ni Mayor Herbert Bautista

By Marah Ruiz
Published April 24, 2018 1:40 PM PHT
Updated April 24, 2018 1:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SONA 2026: Yassi Pressman, young designer give Terno a Filipiniana glow-up
4 nabbed; alleged gold ore, P9M equipment seized in Surigao City
Grill, Fry, and Impress: The kitchen upgrade every home cook needs

Article Inside Page


Showbiz News



May pabulaklak si Mayor! Ano kaya ang reaksiyon ni Kris Aquino na humaharap ngayon sa kaliwa't kanang kontrobersiya?

Sa gitna ng kaliwa't kanang kontrobersiyang hinaharap ni Queen of All Media Kris Aquino, isang simpleng regalo ang nakapagpasaya sa kanya.

Pinadalhan kasi siya ng kanyang ex-boyfriend at ngayon ay close friend na si Quezon City Mayor Herbert Bautista ng mga bulaklak. 

Ibinahagi ni Kris sa Instagram account ang ilang litrato ng mga bulaklak at nilapatan pa ito ng kantang "Getting To Know Each Other." 

"Hindi na po ako High Blood... thanks to #HB. #youhadmeatpeonies #lovelovelove ♥?♥?♥?," sulat niya sa caption ng kanyang post. 

 

Hindi na po ako High Blood... thanks to #HB. #youhadmeatpeonies #lovelovelove ♥?♥?♥?

A post shared by Kris C. Aquino (@krisaquino) on

 

Matatandaang sinita ni Kris ang birthday greeting ng dating asawang si James Yap para sa kanilang anak na si Bimby.

Bukod dito, nagpahayag din siya ang pagkadismaya sa dati niyang co-host na si Korina Sanchez dahil sa pag-feature nito kay James sa kanyang programa.