
Matapos ang mahabang panahon, muling nagkrus ang landas nina Marian Rivera at ng kanyang dating manager na si Popoy Caritativo.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Marian ang litrato nila ni Popoy kasama ang kanyang mga anak na sina Zia at Ziggy.
Aniya, "Happy to see you, my momsie.
"Mahal kita mula noon, hanggang ngayon."
Ibinahagi rin ni Popoy sa kanyang Instagram account ang litrato nila ni Marian na may kalakip na quote galing sa Bible.
"'When the time is right, I, the Lord, will make it happen.' -Isaiah 60:22," sulat ni Popoy sa caption.
Taong 2013 nang kumalas si Marian kay Popoy, ang kanyang talent manager for seven years para lumipat sa Triple A Management ni Antonio Tuviera.
Marian Rivera makes a surprise announcement; gets a new manager