
Sinorpresa si Superstar Nora Aunor ng cast at production staff ng upcoming primetime series na Onanay sa kanyang kaarawan. Ginanap ito sa mismong set ng serye kahapon, May 23.
Noong una ay nagulat pa ang premyadong aktres, pero napapasok din sa loob ng tent ng kanyang co-star na si Cherie Gil.
11 araw bago ang kanyang 65th birthday ay ibinahagi niya ang kanyang wish sa isang panayam noong pumirma siya ng kontrata sa GMA.
"Sana magkita-kita pa rin tayo at maging magkakaibigan pa rin at more shows pa rin sa channel 7 na maganda, lalo nagayon na malapit sila sa 'kin. Talagang ang puso ko talaga andito," saad niya.