GMA Logo Rabiya Mateo at Jeric Gonzales
PHOTO SOURCE: TiktoClock
What's on TV

LOOK: Rabiya Mateo at Jeric Gonzales, may nakakakilig na paghaharap

By Maine Aquino
Published September 28, 2022 1:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Timely Stephen Curry scoring helps Warriors defeat Mavericks
Christmas not the same for all, calamity survivors show

Article Inside Page


Showbiz News

Rabiya Mateo at Jeric Gonzales


Rabiya Mateo to Jeric Gonzales: "Welcome back to my life"

Isang hindi inaasahang nakakakilig na tagpo nina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales ang napanood sa TiktoClock.

Ngayong September 28, bumisita si Jeric at ang kanyang Start-Up PH co-star na si Yasmien Kurdi sa morning variety show na TiktoClock. Nakasama rin sa episode na ito sina Rhian Ramos at Boobay.

TiktoClock

PHOTO SOURCE: TiktoClock

Naging usap-usapan sa showbiz na nauwi sa hiwalayan ngayong taon sina Rabiya at Jeric.

Sa segment na "Mamang-huhula," pinaghawak ni Pokwang ang kamay nina Rabiya at Jeric at tinanong ang mensahe nila para sa isa't isa.

Saad ni Jeric, "Parang nag-init 'yung kamay ko."

Sagot naman ni Rabiya, "Jeric, welcome sa TiktoClock at saka, welcome back to my life."

Nauwi naman sa tilian ang studio dahil sa nakakagulat na biro ni Rabiya kay Jeric.

Isang nakakatawang hirit naman ang binitawan ni Pokwang dahil sa nasaksihan nila kina Rabiya at Jeric. Saad ng TiktoClock host, "Kung ano man ang trip ninyong dalawa, bahala kayong dalawa, pero nakakakilig!"

Isang post na ibinahagi ni TiktoClock (@tiktoclockgma)

Bukod sa "Mamang-hula" segment, may nakakakilig na moment din sina Rabiya at Jeric sa "Quiz and Shout" kung saan nag-request pa ang studio audience na maghawak ng kamay ang dalawa. Nagsigawan ang lahat dahil nauwi sa yakapan ang dalawa.

Abangan ang full episode nito sa GMANetwork.com o sa GMA Network app.

BALIKAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA RABIYA AT JERIC DITO: