
Patuloy na nagwawagi sa ratings ang tinututukang Kapuso morning variety show na TiktoClock.
Ngayong September ay umaani pa rin ng mataas na ratings ang show na pinagbibidahan nina Kuya Kim Atienza, Pokwang, at Rabiya Mateo na TiktoClock. Nitong September 12, 13, at 14 ay nakakuha ng 3.7, 3.6, at 4.0 percent rating ang episodes ng TiktoClock ayon sa NUTAM People Ratings.
PHOTO SOURCE: TiktoClock
Patuloy lamang na sumubaybay sa TiktoClock para sa happy time mula sa exciting games at blessings dahil sa mga papremyong handog sa mga Tiktropa.
Panoorin ang TiktoClock sa GMA Network at sa livestream sa GMA Network YouTube channel at TiktoClock Facebook page, Monday to Friday, 11:15 a.m.