
Abangan mo 'yan!
By AEDRIANNE ACAR
Mga Kapuso, dapat ninyong abangan ang mga susunod na episode ng kinahuhumalingan ninyong sitcom tuwing Sabado ng gabi dahil babaha ng mga naglalakihang bituin sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.
Base sa ilang larawan na in-upload sa Instagram, ilan sa mga celebrities na makikipagkulitan sa pamilya ni Pepito ay sina Kapuso hunk Tom Rodriguez, sexy siren Solenn Heussaff, at former Dading star Gabby Eigenmann.
MORE ON PEPITO MANALOTO:
'Co-stars ni Arthur Solinap sa 'Pepito Manaloto' todo suporta sa kanyang engagement
Julie Anne San Jose, parte ng creative team ng 'Pepito Manaloto?'