What's Hot

LOOK: Travel photo ni Camille Prats, bakit naging viral?

By Cherry Sun
Published August 15, 2018 6:41 PM PHT
Updated August 15, 2018 6:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mahigit 9,800 Pilipino, umuwi sa bansa sa harap ng kaguluhan sa Middle East — DMW
A tangy twist on your favorite Bangus Sinigang | Farm To Table
Cebu town cautions of jellyfish bloom

Article Inside Page


Showbiz News



Ayon kay Camille Prats, mga batang '90s lang ang makakaintindi sa kanyang caption sa kaniyang Instagram photo na ito.

Naging viral at usap-usapan ngayon ang isa sa mga litrato ni Camille Prats na kuha mula sa kanyang bakasyon sa Europe.

Kamakailan ay bumyahe abroad si Camille kasama ang kanyang asawang si VJ Yambao. Pinuntahan nila ang ilang sikat na tourist spots tulad ng Stonehenge, Musee de Louvre, Arc de Triomphe, Eiffel Tower, at Leaning Tower of Pisa.

Instagram-worthy at talaga namang #TravelGoals ang kanyang mga pictures mula sa Eurotour pero meron isang agaw-pansin sa lahat. As of writing, ang kanyang naturang Instagram post ay may mahigit 59,400 likes at kulang-kulang 1,700 comments, habang ang kanyang Facebook post ay may at least 53,000 reactions, 8,000 shares, at 2,000 comments.

“Hay salamat nakauwi na rin ako sa Inglatera,” paglarawan ni Camille sa kanyang litrato sa Buckingham Palace.

Hay salamat nakauwi na rin ako sa Inglatera. 👸🏻😆🇬🇧 #onaVCation #onaVCationInEurope

A post shared by Camille Prats Yambao (@camilleprats) on


Dagdag din ng Mars host sa kanyang Facebook post na ang mga batang '90s lamang ang makakaintindi ng kanyang caption. Marami naman sa kanyang followers at netizens ang nakakuha ng kanyang hirit.