
Kinaaaliwan online ang The Gift cast na sina Jo Berry at Elizabeth Oropesa sa kanilang version ng popular meme na “Nanay at Anak.”
Sa litratong makikita sa official Facebook at Instagram page ng GMA Network, makikita si Jo Berry bilang ang anak habang si Elizabeth naman ang nagtatanong na nanay.
Lamat sa Pamilya Apostol | Ep. 46
Umani na ng libu-libong likes ang nasabing post at nagpadala na rin ng kani-kaniyang mga captions ang mga Kapuso.
Ang nakakatawang rendition ng meme na ito raw ang nagpapatunay na kahit mabigat ang kanilang eksena sa soap ay puro tawanan at kulitan sila off-cam.
Panoorin ang chika ni Suzi Abrera:
Patuloy na panoorin ang The Gift, mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad.
Alden Richards, ni-reveal na isang major character and mamamaalam sa 'The Gift'
Lamat sa pamilya Apostol | Ep. 46