
Hindi napigilang maging emosyunal ng mga anak ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice Bektas nang mamaalam na sa amang si Yilmaz.
Noong June 11, ibinahagi ni Ruffa sa TikTok account nito ang muling pagkikita ng mga anak at ng dating asawang si Yilmaz matapos ang 15 taong pagkakawalay nina Lorin at Venice sa kanilang ama.
"[Twelve] days with their father after 15 years of not seeing each other was certainly a trip Lorin and Venice will never forget for the rest of their lives. I can't wait to hear all about it when they get home in time for my birthday," sulat ni Ruffa.
Sa 12 araw na naging bakasyon nina Lorin at Venice sa Istanbul, iba't ibang lugar ang pinasyalan ng mga ito kasama ang ama at half-sister na si Ilknaz Bektas.
Ikinasal sina Ruffa at Yilmaz noong 2003 at ibinalita ang kanilang paghihiwalay noong 2007. Ipinanganak si Lorin noong August 3, 2003, habang ang nakababatang kapatid niyang si Venice ay isinilang noong September 11, 2004.
Samantala, tingnan ang mga larawan nina Lorin at Venice kasama ang ama nilang si Yilmaz