
Sa Tadhana: Tahanan, dalawang taon na nang maghiwalay ang mag-asawang Sylvia (Lotlot de Leon) at Enrico (Boom Labrusca) at mag-co-parenting sa dalawang anak -- sina Gino (Kim de Leon) at Elissa (Shanelle Agustin).
Sa kabila ng kanilang hiwalayan ay nananatili ang maayos na samahan ng dating mag-asawa. Kaya naman umaasa pa rin ang magkapatid na muling mabubuo ang kanilang pamilya.
Pero laking gulat nila nang ipakilala ni Enrico ang kaniyang bagong kasintahan at babaeng balak niyang pakasalan -- si Ivy (Arra San Agustin).
Paano tatanggapin nina Gino at Elissa ang desisyon ng kanilang ama? Handa na ba si Sylvia na tuluyang pakawalan ang dating asawa?
Abangan ang natatanging pagganap nina Lotlot De Leon, Arra San Agustin, Boom Labrusca, Kim De Leon, Shanelle Agustin, Ms. Gigi Locsin, at Ralph Alfaro
Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Tadhana: Tahanan, a Mother's Day special ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.