
Sa Tadhana: My Golden Love, simula nang malaman ng pamilya nina Amanda (Irma Adlawan) at Jonathan (Marco Alcaraz) ang kanilang relasyon ay sunod-sunod na ang naging problema ng dalawa. Mahigpit kasing tinututulan ng mga anak ni Amanda ang kanilang pagmamahalan. Nais ding makipagbalikan ng dating girlfriend ni Jonathan sa kanya.
Masakit man para kina Amanda (Irma Adlawan) at Jonathan (Marco Alcaraz), tuluyan na nilang tinapos ang kanilang relasyon para sa ikasisiya ng kani-kanilang pamilya.
Maging tunay na masaya naman kaya ang mga anak ni Amanda sa ginawa niyang desisyon?
Balikan ang natatanging pagganap nina Ms. Irma Adlawan, Marco Alcaraz, Analyn Barro, Althea Ablan, Jess Mendoza, Ms. Racquel Pareño, Elle Ramirez, Ida Pomarejos at TikTok star Marc Daniel Bernardo.