GMA Logo Mavy Legaspi, Chixnita, Kyline Alcantara
What's on TV

'Love At First Read' author Chixnita admits Kyline Alcantara's character was inspired by her own life story

By Jimboy Napoles
Published June 11, 2023 5:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump brands fentanyl a ‘weapon of mass destruction’ in drug war escalation
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Mavy Legaspi, Chixnita, Kyline Alcantara


Gaganap si Kyline Alcantara bilang isang NBSB o No Boyfriend Since Birth na negative sa idea of love sa bagong Luv Is series na 'Love At First Read.'

Mapapanood na ngayong Lunes, June 12, ang bagong Luv Is series ng GMA - ang TV adaptation ng hit Wattpad novel na Love At First Read na isinulat ng 28-year-old Filipino author na si Chixnita.

Ang nasabing series ay pinagbibidahan ng Sparkle sweethearts na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara na gaganap bilang sina Kudos Pereseo at Angelica de Makapili.

Sa panayam ng GMANetwork.com sa author na si Chixnita, ibinahagi nito na inspired sa kaniyang buhay ang kuwento ng karakter ni Kyline na si Angelica.

Kuwento niya, “'Yung buhay ni Angelica actually nakabase siya sa buhay ng family ko. Kahit 'yung personality ni Angelica, kinuha ko rin sa akin so may similarities kami.”

Pero ayon sa writer, ang tanging pagkakaiba lamang nila ni Angelica ay wala siyang love interest gaya ni Kudos sa totoong buhay.

“'Yun lang 'yung kaibahan namin ni Angelica siyempre wala tayong mala-Kudos na kayang gawin ang lahat para sa atin,” natatawang sinabi ng dalagang writer.

Ayon kay Chixnita, pasko ng taong 2017 niya sinimulang isulat ang Love At First Read habang siya ay mag-isa lamang noon. Aniya, “Naisip ko, 'What if gumawa ako ng story na kayang pawiin 'yung boredom na nararamdaman ko?'”

Hindi niya naman inakala na magiging isa sa hit Wattpad novels ang kaniyang isinulat na love story at ngayon ay isa nang ganap na TV series.

Aniya, “Nu'ng nagsabi sila na gusto nilang gawan ng adaptation hindi ko po ine-expect, akala ko panaginip lang. Hanggang ngayon, akala ko panaginip lang lahat ng 'to.”

Nagpapasalamat naman si Chixnita sa GMA at sa Wattpad Webtoon Studios sa oportunidad na ibinigay sa kaniya, “I'm really thankful to GMA and of course to Wattpad for this huge opportunity.”

Masaya rin si Chixnita sa mga cast na napili na magbibigay buhay sa mga karakter na kaniyang isinulat, lalong lalo na kina Mavy at Kyline.

“Sa MavLine, hindi ko rin in-expect na sila 'yung gaganap kasi sikat na sila e, may fan base na at sobrang bagay nila doon sila sa roles at 'yung iba pang cast so I'm really happy na sila 'yung gumanap,” saad ng Pinay author.

Sa nasabing series, gaganap si Mavy bilang si Kudos Pereseo, isang kilabot na varsity pero hopeless romantic na searching para sa kaniyang right girl. Habang si Kyline naman ay gaganap bilang si Angelica de Makapili, isang K-pop at K-drama fan pero hindi na naniniwala sa love dahil sa mapait na karanasan sa pag-ibig ng kaniyang ina. Pero ang magkaibang mundo nina Kudos at Angelica ay maglalapit dahil sa isang diary.

Bukod sa MavLine, abangan din sa serye ang Sparkle stars na sina Therese Malvar, Marco Masa, Mariel Pamintuan, Bruce Roeland, Larkin Castor, Josh Ford, at Gueco twins na sina Gabby at Kiel Gueco.

Mapapanood din dito ang seasoned actors na sina Jackie Lou Blanco, Jestoni Alarcon, at Maricar De Mesa.

Abangan ang Love At First Read ngayong Lunes, June 12, 5:40 p.m. bago ang 24 Oras.

Panoorin ang full trailer ng Love At First Read sa video na ito:

BALIKAN ANG MGA NAGING KAGANAPAN SA MEDIA CONFERENCE NG LOVE AT FIRST READ SA GALLERY NA ITO: