GMA Logo love beyond time
What's Hot

Love Beyond Time: Handa nang ipaglaban ni Vanessa ang pag-ibig kay Leonardo | Week 5

By Aimee Anoc
Published December 14, 2021 11:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

EA Guzman, Shaira Diaz, target magka-baby sa 2026
A 60-suite cultural-luxury resort takes shape along Siargao's shores
Boy, 14, shot dead in Davao Occidental

Article Inside Page


Showbiz News

love beyond time


Pipiliin kaya ni Vanessa na manatili na lamang sa Yangkin kasama si Leonardo?

Sa ikalimang linggo ng Love Beyond Time, tinanggap na ni Vanessa (Davika Hoorne) ang pag-ibig ni Leonardo (Mario Maurer).

Pero hindi tumigil si Oscar (Jason Young) sa masamang plano na makapaghiganti kay Leonardo. Dinukot ni Oscar sina Prinsesa Isabel (Prang Kannarun Wongkajornklai) at Vanessa.

Agad namang natunton nina Leonardo at Samuel (Apo Nattawin Wattanagitiphat) ang kinaroroonan nina Prinsesa Isabel at Vanessa na hawak ng mga bandido. Tinalo ni Leonardo si Oscar sa isang laban at tuluyang nailigtas sina Prinsesa Isabel at Vanessa.

Samantala, nalagay sa panganib ang buhay ni Vanessa sa kasalukuyan nang painumin ito ni Rosemarie (Sara Legge) ng pampatulog. Mula sa nakaraan, nagising na lamang si Vanessa na nasa ospital kasama ang kanyang buong pamilya.

Labis na nag-alala para kay Vanessa ang kanyang ina at hindi pa rin ito naniniwala na totoong nakababalik ang anak sa Yangkin. Hindi naman napatunayan ni Vanessa na totoo ang kanyang mga sinasabi tungkol sa Yangkin dahil wala itong ebidensyang maipakita.

Sa pagbabalik sa Yangkin, pipiliin na nga ba ni Vanessa na manatili na lamang sa nakaraan at ipaglaban ang pag-ibig kay Leonardo?

Patuloy na subaybayan ang Love Beyond Time, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m sa GMA.

Balikan ang mga eksena sa Love Beyond Time:

Love Beyond Time: Leonardo's welcome gift for Vanessa | Episode 21

>

Love Beyond Time: Leonardo and Rosemarie caught in the act | Episode 22

Love Beyond Time: Vanessa's overprotective mother | Episode 23

Love Beyond Time: Vanessa tells the truth | Episode 24

Love Beyond Time: Deceiving Vanessa | Episode 25