
Sa ikalawang linggo ng Love Beyond Time, ipinarating ni Prinsesa Isabel (Prang Kannarun Wongkajornklai) ang pagsuporta nito sa pananatili ni Vanessa (Davika Hoorne) sa kanilang lugar, salungat sa mga ibinibintang ni Rosemarie tungkol sa huli na isa itong espiya o kaaway.
Mas lalo namang tumindi ang galit ni Rosemarie (Sara Legge) kay Vanessa dahil sa nasaksihang pagpabor ng prinsesa.
Nakikitang balakid ni Rosemarie sa nakatakdang kasal nila ni Leonardo (Mario Maurer) si Vanessa kaya naman patuloy siya sa paghahanap ng paraan para mapalayas ang huli.
Samantala, sa pag-aasam na muling mabubuo ang kanilang pamilya, muling pinuntahan ni Jet (Punjan Kawin Imanothai) si Vanessa at nangakong hindi na muling mambababae. Hindi naman naniwala si Vanessa sa pangakong ito ni Jet at sinabi ang nais na pakikipaghiwalay rito.
Ngayong natuklasan na ni Vanessa na maaaring hindi na siya makabalik sa kasalukuyan kung magtatagal siya ng mahigit pitong araw sa nakaraan, itutuloy pa kaya niya ang pakikipagkita kay Leonardo?
Patuloy na subaybayan ang Love Beyond Time, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m sa GMA.
Balikan ang mga eksena sa Love Beyond Time:
Love Beyond Time: Vanessa, where are you? | Episode 6
Love Beyond Time: Vanessa's love advice | Episode 7
Love Beyond Time: Rosemarie slaps Vanessa | Episode 8
Love Beyond Time: Jet meets Vanessa once again | Episode 9
Love Beyond Time: Who is Kristina | Episode 10