GMA Logo Mario Maurer and Davika Hoorne
What's Hot

Love Beyond Time: Tinanggap ni Leonardo ang katotohanang isang time traveller si Vanessa | Week 4

By Aimee Anoc
Published December 6, 2021 3:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EA Guzman, Shaira Diaz, target magka-baby sa 2026
A 60-suite cultural-luxury resort takes shape along Siargao's shores
Boy, 14, shot dead in Davao Occidental

Article Inside Page


Showbiz News

Mario Maurer and Davika Hoorne


Inalok ni Rosemarie si Vanessa kung nais niyang maging pangalawang asawa ni Leonardo.

Sa ikaapat na linggo ng Love Beyond Time, nalaman na ni Leonardo (Mario Maurer) na isang time traveller si Vanessa (Davika Hoorne) at nagmula ito sa hinaharap.

Inamin ni Leonardo kay Vanessa na nabasa niya ang liham tungkol sa mahiwagang kama. Tinanggap na rin ni Leonardo ang katotohanang magkaiba ang kanilang mga mundo.

Sa kabila ng katotohanan tungkol sa pagkatao ni Vanessa, buo pa rin ang desisyon ni Leonardo na ipaglaban ang kanyang pag-ibig kahit na pilit siyang tinatanggihan ni Vanessa dahil kay Rosemarie (Sara Legge).

Samantala, muling naabutan ni Vanessa si Jet (Punjan Kawin Imanothai) na kayakap si Natalia (Tidchaya Phudithakulkan). Dahil dito, mas tumindi ang galit ni Vanessa para sa asawa. Pilit namang humingi ng tawad si Jet pero hindi na siya pinakinggan pa ni Vanessa.

Patuloy na subaybayan ang Love Beyond Time, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m sa GMA.

Balikan ang mga eksena sa Love Beyond Time:

Love Beyond Time: | Episode 15

Love Beyond Time: | Episode 16

Love Beyond Time: | Episode 18

Love Beyond Time: | Episode 19

Love Beyond Time: | Episode 20