GMA Logo Mario Maurer and Davika Hoorne
What's Hot

Love Beyond Time: Tinanggihan ni Vanessa ang pag-ibig ni Leonardo | Week 3

By Aimee Anoc
Published November 29, 2021 10:51 AM PHT
Updated November 29, 2021 3:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EA Guzman, Shaira Diaz, target magka-baby sa 2026
A 60-suite cultural-luxury resort takes shape along Siargao's shores
Boy, 14, shot dead in Davao Occidental

Article Inside Page


Showbiz News

Mario Maurer and Davika Hoorne


Ano nga ba ang mas mahalaga kay Vanessa, tungkulin o pag-ibig?

Sa ikatlong linggo ng Love Beyond Time, labis na ikinatakot ni Vanessa (Davika Hoorne) na mangyaring muli ang digmaang sisira sa tahanan ni Leonardo (Mario Maurer). Nalaman ni Vanessa sa kasalukuyan na nasira ang Yangkin noong pangalawang digmaan.

Samantala, sinubukang ipagtapat ni Leonardo ang pag-ibig kay Vanessa sa pamamagitan ng isang halik pero agad itong tinanggihan ng huli. Ipinarating ni Vanessa kay Leonardo na hindi maaaring umibig sila sa isa't isa dahil nakatakda nang ikasal ang huli kay Rosemarie (Sara Legge).

Sinabi naman ni Leonardo kay Vanessa na hindi niya mahal si Rosemarie at ang mas mahalaga para sa kanya ay ang pag-ibig dito.

Sa isang pagtitipon na inihanda ni Rosemarie, nabigla ang lahat nang makita ang kagandahan ni Vanessa kung saan maging si Oscar (Jason Young) ay inaya itong sumayaw. Pilit namang hinikayat ni Leonardo si Vanessa na huwag makipagsayaw kay Oscar pero pinagbigyan ni Vanessa ang huli.

Magtagumpay kaya si Oscar sa masamang binabalak na makuha sina Vanessa at Prinsesa Isabel (Prang Kannarun Wongkajornklai) para makapaghiganti kay Leonardo?

Patuloy na subaybayan ang Love Beyond Time, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m sa GMA.

Balikan ang mga eksena sa Love Beyond Time:

Love Beyond Time: Vanessa refuses Leonardo's love | Episode 11

Love Beyond Time: Leonardo sleeps in Vanessa's bed | Episode 12

Love Beyond Time: Vanessa the head turner | Episode 13

Love Beyond Time: Oscar dances with Vanessa | Episode 14