What's on TV

Love. Die. Repeat: Bernard, pinagtakpan ang pagiging kabit ni Chloe!

By Jansen Ramos
Published February 8, 2024 6:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Prosecutor: Ayon sa medical experts, ‘fit’ na lumahok sa ICC pre-trial proceedings si Duterte
Straight from the Expert: Lechon, the star of every Filipino Christmas table (Teaser)
PRO-10 deploys nearly 500 cops to boost holiday security in NorthMin

Article Inside Page


Showbiz News

love die repeat characters


Sa February 7 episode ng GMA Prime series na 'Love. Die. Repeat.,' pinagtanggol ni Bernard (Xian Lim) si Chloe (Valeen Montenegro) mula kay Dianne (Faye Lorenzo), ang legal wife ni Jerome (Ervic Vijandre) na boyfriend ni Chloe.

Naiipit ang mag-asawang Angela (Jennylyn Mercado) at Bernard (Xian Lim) dahil sa kanilang kaibigan na si Chloe (Valeen Montenegro) sa suspense drama na Love. Die. Repeat.

Sa episode ng GMA Prime series noong Miyerkules, February 7, sumugod si Dianne (Faye Lorenzo) sa opisinang pinagtatrabahuhan ni Chloe, na kabit ng kanyang asawang si Jerome (Ervic Vijandre), para komprontahin ang babae.

Nadatnan ni Bernard na nagkakasakitan ang dalawa kaya pumagitna siya.

Pinagtakpan ni Bernard ang pangangabit ng kanyang katrabaho at best friend ng asawa niyang si Angela.

Pinagtanggol ni Bernard si Chloe mula kay Dianne at sinabing hindi ito kabit dahil magkasintahan sila ni Chloe, na ikinagulat ng huli.

Sinabi lang ito ni Bernard para tumigil at umalis na si Dianne sa building matapos mag-iskandalo sa kanilang opisina.

Samantala, nagtaka si Chloe kung paano nalaman ni Dianne na may relasyon sila ni Jerome. Haka-haka ni Bernard, ang asawa niyang si Angela ang nagbisto kay Dianne matapos silang magkaroon ng komunikasyon ng huli nang kunin ni Dianne si Angela na ninang ng kanyang anak.

Ano na lang ang mangyayari sa pagkakaibigan nina Angela at Chloe kapag nalaman ni Angela na sinabi ng kanyang mister na girlfriend niya si Chloe?

At ano ang gagawin ni Angela kapag nalaman niyang naka-one night stand ng kanyang best friend si Bernard noong hindi pa sila magkakilala?

Mapapanood ang Love. Die. Repeat. weeknights, 8:50 p.m. sa GMA at Pinoy Hits.

Available din ito online via Kapuso Stream kasabay ng pag-ere sa TV.

Ipinapalabas din ang serye sa GTV sa oras na 10:50 ng gabi.

Ang Love. Die. Repeat. ay mula sa direksyon nina Irene Villamor at Jerry Sineneng.