
Tumitindi ang mga tagpo sa Thai drama series na Love Revolution, na pinagbibidahan ni Son Yuke Songpaisan at Esther Supreeleela.
Sa ikalimang linggo ng nasabing programa, patuloy pa rin ang paghahanap ng mga tauhan ni Vina tungkol sa impormasyon kay Ardy.
Nagkaroon naman ng eksena sa isang event matapos ang isang gulo sa pagitan nina Raffy at Seifer dahil sa pangha-harass na ginawa ng una kay Lin.
Labis na nagulat at nagtaka naman si Lin nang makitang mayroong mga sanitary pad si Nick sa loob ng isang box sa opisina nito.
Samantala, nagkita muli sina Ingrid at Seifer sa isang restaurant upang pag-usapan ang ama ng una. Lingid sa kanilang kaalaman na sinundan sila ni Nick.
Agad namang dinala ni Nick si Seifer sa ospital matapos saktan ng hindi kilalang tao ang huli habang nasa daan. Binisita rin nina Jack at Lin ang kanilang kaibigan sa ospital.
Nagulat naman si Nick nang makita siya ni Lin sa kaniyang opisina na mayroong hawak na sanitary pad. Tinanong naman ni Lin si Nick kung totoo ang kaniyang kutob na nagpapanggap lamang ang huli na isang lalaki.
Sa pag-uusap ng dalawa, ipinagtapat na ni Nick ang katotohanan at sinabing mayroon siyang rason para sa pagpapanggap niya.
Subaybayan ang Love Revolution tuwing weekdays, 9:00 a.m., sa GMA.
SAMANTALA, KILALANIN ANG THAI STARS NA NAPANOOD SA HEART OF ASIA SA GALLERY NA ITO.