GMA Logo Son Yuke Songpaisan
What's Hot

Love Revolution: Seifer resigns from Bacayagam Group

By Dianne Mariano
Published April 29, 2023 4:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH Sec. Dizon stands on shaking bridge as truck rumbles by
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Son Yuke Songpaisan


Tuluyan na kayang aalis si Seifer sa Bacayagam Group?

Sa ikapitong linggo ng Love Revolution, gagawin ni Seifer ang lahat para mahanap at muling makasama niya ang alagang aso na si Lucky. Dahil dito, tumawag si Seifer sa animal shelter at si Nick ang nakausap niya.

Nagulat naman si Nick nang malaman na si Seifer ang kaniyang nakausap at hinahanap ang isang beagle na nagngangalang Lucky, ang aso na kasalukuyang nasa pangangalaga ng una.

Sa pag-uusap naman nina Ingrid at ng kaniyang ina, muling nagsinungaling ang huli sa anak niya at sinabing hindi maganda ang kalagayan ng ama nito dahil sa komplikasyon sa sakit.

Nakita naman nina Xander at Seifer ang kotse ni Gregory at sinundan nila ito hanggang sila'y nakarating sa isang ospital. Nang pasukin ni Seifer ang isang kuwarto sa ospital, hindi pala ang kaniyang ama ang pinunta ni Gregory.

Matapos ito, nakipagkita sina Seifer at Xander kay Ingrid at sinabi ng una sa huli sa nais niyang magtrabaho sa Intalaweng Group.

Bukod dito, nagkita na rin sa unang pagkakataon sina Seifer at Nica matapos pumunta ang una sa animal shelter upang magbigay ng impormasyon tungkol kay Lucky.

Sa pag-uusap nina Nick at Seifer, sinabi na ng huli na magre-resign na siya Bacayagam Group at lilipat sa Intalaweng Group. Kasama rin ni Seifer si Xander sa kanyang pag-alis sa kumpanya.

Samantala, nalagay sa peligro ang buhay ni Manang Susan nang dakipin siya ng mga tauhan ni Vina para tanungin tungkol sa nalalaman nito sa will and testament ng asawa niyang si Ed.

Ano kaya ang susunod na gagawin ni Seifer ngayong tila nagiging delikado na ang kanyang sitwasyon? Subaybayan ang Love Revolution tuwing weekdays, 9:00 a.m., sa GMA.