GMA Logo Love Siargao
Source: Viu Philippines
What's Hot

'Love, Siargao,' maghahatid ng kilig sa GMA ngayong September

By Karen Juliane Crucillo
Published August 24, 2026 7:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ngitngit, Pagong, Pusa, ilan pang 'kakaibang' pangalan na lumabas sa OVP confidential fund receipts
Maestra sa Danao City, Nag-sorry sa Comment sa Social Media Batok USEC Castro | Balitang Bisdak
Moonstar88 reflects on their much-anticipated comeback

Article Inside Page


Showbiz News

Love Siargao


Abangan ang 'Love, Siargao' sa GMA ngayong September!

Handa na ba kayong mabiktima ng Siargao Curse, mga Kapuso?

Magtutuloy-tuloy ang pagpapakilig nina Alden Richards at Nadine Lustre sa Love, Siargao dahil mapapanood na ang romantic comedy series sa GMA simula September.

Mapupuno ng hiwaga ang istorya nina Jao (Alden Richards) at Kara (Nadine Lustre) dahil sila mismo ang makakaranas sa local legend sa isla na tinatawag na "Siargao curse."

Ayon sa legend, ang mga bumibisita sa Siargao ay hindi na umano nakakaalis ng isla o hindi na napipigilang umibig.

Sa kanilang pananatili sa Siargao, unti-unting magbabago ang ihip ng hangin kasabay ng kanilang samahan. Makakawala pa kaya sila sa "Siargao Curse," o gugustuhin na lang nilang malunod sa sumpa at manatili sa isla nang magkasama?

Kasama rin sa cast ng serye sina Kyline Alcantara, Kim Ji Soo, AZ Martinez, Vince Maristela, Coleen Garcia, Gab Lagman, Kakki Teodoro, Adrian Lindayag, at Christopher Diwata.

Umani naman ng positibong reaksyon ang kauna-unahang on-screen pairing nina Alden at Nadine sa serye na unang natunghayan sa Viu Philippines. Pinuri ng fans at viewers ang natural na chemistry at pag-arte ng dalawang aktor.

Abangan ang Love, Siargao sa GMA ngayong September!

RELATED GALLERY: Alden Richards and Nadine Lustre show undeniable chemistry in 'Love, Siargao'