
Patok na patok sa viewers ang romantic comedy series na Love, Siargao.
Sa official Facebook page ng Viu Philippines, dinagsa ng viewers ang comments section upang ipahayag ang kanilang paghanga sa takbo ng kuwento ng serye.
Marami rin ang nagpahayag ng excitement para sa mga susunod na episode, lalo na sa mangyayari sa pagkakaibigan nina Jao (Alden Richards) at Kara (Nadine Lustre).
Pinuri rin ng viewers ang kuwento ng serye dahil, ayon sa kanila, hindi ito "nakakaumay," kaya patuloy nilang inaabangan ang bawat episode. Bukod dito, bumilib din sila sa chemistry nina Alden at Nadine, pati na rin sa husay ng dalawa sa pagganap sa kani-kanilang mga karakter.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng viewers tungkol sa Love, Siargao:
Mapapanood ang mga bagong episode ng Love, Siargao tuwing Biyernes at Sabado, 6 p.m., sa Viu.
RELATED GALLERY: Alden Richards and Nadine Lustre show undeniable chemistry in 'Love, Siargao'