
Nagkaroon na ng mga pag-amin kina Jao (Alden Richards) at Kara (Nadine Lustre), pati na rin kina Pearl (Kyline Alcantara) at Han Bin (Kim Ji Soo), sa romantic comedy series na Love, Siargao.
Sa episode 14 teaser na inilabas ng Viu Philippines, ipinakita na handa nang mahalin ni Jao si Kara kahit sinabi nitong mahirap siyang mahalin.
Samantala, umamin naman si Han Bin kay Pearl matapos siyang tanungin kung bakit ito mabait sa kanya.
"I'm in love with you, Pearl. I have been in love with you for the longest time," sabi ni Han Bin kay Pearl sa Korean.
Hindi naman napigilan ng viewers na kiligin at ma-excite para sa susunod na episode.
Narito ang ilang reaksyon ng viewers sa aminan nina Jao at Kara, at Pearl at Han Bin:
Mapapanood ang new episodes ng Love, Siargao tuwing Biyernes at Sabado, 6 p.m., sa Viu Philippines.
RELATED GALLERY: Alden Richards and Nadine Lustre show undeniable chemistry in 'Love, Siargao'