
Pasok bilang official entry sa 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang romance movie na Love You So Bad na pagbibidahan ng dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates na sina Dustin Yu, Bianca De Vera, at Will Ashley.
Ngayong 51st MMFF, tila mapupuno ng kilig at pag-ibig ang mga sinehan sa bagong offering ng Star Cinema, GMA Pictures, at Regal Entertainment ngayong kapaskuhan. Sa direksyon ni MMFF Blockbuster director Mae Cruz Alviar, muling pakikiligin nina Dustin, Bianca, at Will ang mga puso ng mga manonood.
Ngunit ano nga ba ang magiging kwento ng tatlong bida sa romance movie na ito? Siguradong chaos mode ang pag-ibig ngayong December 25!
BALIKAN ANG NAGANAP SA STORYCON NG PELIKULA SA GALLERY NA ITO: