GMA Logo Lovely Abella
What's Hot

Lovely Abella, isa nang certified fitness instructor

By Dianara Alegre
Published June 6, 2020 10:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Lovely Abella


Lovely Abella, masaya sa panibagong fitness career.

Work never stops para sa ilang Bubble Gang babe kabilang na ang komedyante at aktres na si Lovely Abella na pinasok na rin ang pagdaos ng online fitness class sa gitna ng quarantine.

Isa nang certified fitness trainer si Lovely matapos niyang magkamit ng certificate mula sa Online Learning Provider na New Skills Academy.

“Isipin mo sa pag-aaral kong 'yon, medyo natuyot 'yung utak ko kasi kailangan mo pala pag-aralan ang nerves, brains, ang joints, ang respiratory, ang heart.

“So iba't iba pala 'yung function nu'n every time na nagwo-workout tayo. Dapat pala inaalam 'yun talaga.

“Mas marami akong natutunan at the same time medyo pinagkakakitaan ko na rin siya this time,” sabi ni Lovely.

Ilang ZOOM HIIT workouts na rin ang nagawa ni Lovely online.

Getting Ready for my 4PM ZOOM HIIT workout.. and Ang sarap ng pre workout snacks ko parang breakfast lang.. sa lahat ng gustong mag JOIN, Dm niyo lang ako.. 💪🏻 #letsgo #lovelysfitnesssquad #coachga

Isang post na ibinahagi ni Lovely Abella (@lovelyabella_) noong

WATCH: Lovely Abella at Valeen Montenegro, nagbahagi ng tips upang maging fit ngayong 2019

Maging creative po tayo kahit nasa bahay lang.. Lets go for 4 Sets 1minute break in bet. Sets 45 secs. On / 15 secs. Break 💦 Pillow Russian twist 💦 Pillow Sit reach up 💦 Pillow flutter kicks 💦 Pillow arm reaches 💦 Pillow transfers Always Engage your core.. Thank you @wheylco for my supplements.. 💪🏻

Isang post na ibinahagi ni Lovely Abella (@lovelyabella_) noong

Samantala, dahil sa COVID-19 pandemic at nakansela ang kasal ni Lovely sa fiancé nitong si Benj Manalo na dapat sana ay sa January 2021 gaganapin.

Pero inamin naman niya na magiging mas matipid ang kanilang pagpapakasal dahil sa mga dapat isaalang-alang sa pagdaraos ng events ngayon.

“Actually mas nakatipid talaga ngayon dahil siyempre ang bisita mo limited. 'Di ba? Kaya lang, dahil din sa quarantine nagastos din namin 'yung budget pang-wedding,” aniya pa.

Na-engage sina Lovely at Benj noong June 2019.

To my Super Wife to be😍 HAPPY MOTHERS DAY! Isa ka sa mga blessing sakin ni lord na sobrang thankful ako. Salamat sa laging pag alaga, pag unawa at pagpapatawa sa ating buhay. Salamat at nasahre mo samin ang napaka buti g puso mo, hindi lang kami ng oamilya mo at ang buong mundo ay napapasaya mo. Mabuhay ka babe!!! Ang araw na ito ay para sayo 🥰🥰🥰 im so proud of you mahal!! You're my one and only!! I love you so much!! Again thank you sa lahat! 🥰🥰🥰🥰 @lovelyabella_ #BenLy

Isang post na ibinahagi ni Benj Manalo (@benj) noong

Celebrity couple Lovely Abella and Benj Manalo mark 5th anniversary

Panoorin ang buong 24 Oras report: