
Nakagugulat ang susunod na mga eksena sa triple-plot drama series na Lovers & Liars.
Ngayon Miyerkules (December 20) base sa teaser na inilabas ng serye, makukulong si Via (Claudine Barretto) sa salang murder!
Noong Martes, napanood ang biglaang pag-aresto kay Via ng mga pulis sa salang murder kay Ramon Laurente, ang pumanaw nitong asawa at may-ari ng Pacifica.
Matatandaan na pangalawang asawa ni Ramon Laurente si Via at nang pumanaw ito ay inihabilin niya kay Via ang pamumuno sa Pacifica, isang real estate company.
Hindi tanggap ang desisyon na ito ni Trina (Sarah Edwards), anak ni Ramon sa una niyang asawa, at pilit na gumagawa ng paraan para mapaalis si Via sa kompanya.
Si Trina kaya ang dahilan ng pagkakaaresto kay Via? Paano kaya mapapatunayan ni Via na inosente siya sa kasong murder na isinampa sa kanya?
Patuloy na subaybayan ang Lovers & Liars, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.
KILALANIN ANG CAST NG LOVERS & LIARS SA GALLERY NA ITO: